Lunes, Setyembre 27, 2021

Aralin 2: Gamit at Uri ng Pagsulat

 

Baitang                      :  12                                          Markahan : Una

Panahong Igugugol  :  Ikalawang   Linggo            

 





Subukin


Panuto: PAGTUKOY SA GAMIT AT URI NG PAGSULAT: Tukuyin ang gamit at uri ng pagsulat sa mga katanungan.Piliin ang titik ng tamang sagot.

                                  A. Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat 


 

A.Wika                  B.Paksa                     C.Layunin         D.Pamamaraan ng Pagsulat

E.Kasanayang Pampag-iisip           F.Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat

                                 G.Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin

 







______1. Ito ay magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman  ng iyong isusulat. Kailangang matiyak na matutugunan  ng iyong isusulat  ang  motibo ng pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa .

______2. Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos , organisado ,obhetibo at at masining na pamamaraan mula panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.

______3. Mahalagang magkaroon  nito ang isusulat. Ito ay magsisilbing  pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat  ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos  na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.

_______4. Sa pagsulat ,dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong nahalaga  ,o maging ng  mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.

_______5. Ito ay magsisilbing behikulo ito upang maisatitik ang mga kaalaman,kaisipan, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.

 

B. Uri ng Pagsulat

A. Malikhain                                     B. Teknikal           C. Propesyonal

D.Dyornalistik                                  E. Reperensyal     F. Akademiko


_______6.Isa itong  intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat  o ng isang ginawang  pananaliksik.

 

_______7.Layunin nitong maghatid ng aliw,makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.  Mabibilang sa uring ito ang maikling kwento , dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks ,iskrip ng teleserye ,kalyeserye, musika ,pelikula at iba pa.

_______8.Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya  o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. 

_______9.Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto  o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan .

______10.Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda  sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.


Balikan

Panuto: URI NG PAGLALARAWAN :Basahin ang mga tekstong nakalahad sa ibaba.  Suriin ang katangian at kalikasan ng mga ito at  isulat sa linya kung ang paglalarawan ay subhetibo o obhetibo. Maglahad din ng isang pangungusap na magpapaliwanag sa iyong isinagot.

            Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging subhetibo o obhetibo.

Subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay  maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.

Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohanan. Halimbawa, kung ang lugar na inilarawan ng isang manunulat ay isa sa magagandang lugar sa bansa na kilala rin ng kanyang mga mambabasa, gagamit parin siya ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa lugar subalit hindi siya maaaring maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa.

 

Panuto: Basahin ang mga tekstong nakalahad sa ibaba. Suriin ang katangian at kalikasan ng mga ito at saka isulat sa linya kung ang paglalarawan ay subhetibo o obhetibo. Maglahad ng isang pangungusap na magpapaliwanag sa iyong isinagot.

 

__________ 1. Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan ng mga turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at ng mundo. Itinuturing itong pinaka-aktibong bulkan sa bansa dahil sa humigit kumulang limampung beses na pagsabog nito sa nagdaang apat na raang taon. Mapanira at kasindak-sindak ang mga naging pagsabog nito subalit sa mga panahong panatag ang bulkan ay isang balani ang kagandahan nitong nakatunghay sa Kabikulan.

Paliwanag:________________________________________________________________

 

_____ 2. Ang bawat pagkaway niya ay tinutumbasan ng nakabibinging pagtili ngkanyang mga tagahanga. Walang hindi naakit sa malalim niyang biloy naagad lumilitaw kapag ang kanyang maamong mukha ay binubukalan ngmatatamis na ngiti. Sinasabi ng mga nakakikilala sa kanyang hindi lang siya basta gwapo sapagkat mabuti rin daw ang kanyang kalooban opagkatao. Siya si Alden Richards, ay isang personalidad ng sikat na sikatna parehang binansagang “Aldub” na kumukompleto sa pananghalian ngmarami.

Paliwanag:_______________________________________________________________________

__________ 3.Naiwan sa balikat ni Andres ang responsibilidad sa mga nakakabatang kapatid na sina Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio, at Maxima.  Nagtinda siya ng bastong yari sa yantok gayundin ng makukulay na abanikong papel na siya mismo ang gumawa. Dahil sa maganda niyang sulat kamay at likas na pagkamalikhain, gumawa rin siya ng mga poster para sa mga bahay-kalakal sa kanyang nalalabing oras. Hindi nagtagal at siya’y nagtarabaho bilang bilang mensahero ng Fleming and Company. Dito’y nagpakita siya ng kasipagan, karapatan, at dedikasyon sa gawain hanggang sa siya’y ma-promote bilang ahente ng kompanya.

   Ang mahirap na buhay na pinagdaanan niya ang pumanday sa kanya upang maging masikap, matatg, at matapang. Mga katangiang nakatulong nakatulong sa pagtatag niya sa KKK.

Paliwanag:_______________________________________________________________________


Tuklasin

           

                                          Mga Gamit at Pangangailangan sa Pagsulat

Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang lumikha ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Kaya naman upang makabuo tayo ng isang magandang sulatin ay kailangang mapukaw ang ating interes. Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan sa pagsusulat partikular ng akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan:

1. Wika-  Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.

2. Paksa- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.

3. Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.

4.Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.

a.   


Paraang Impormatibo- Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.

b.    Paraang Ekspresibo-  Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.

c.     Pamaraang Naratibo-  Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

d.    Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.I to’y maaaring obhitibo at subhetibo.

e.    Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.

5. Kasanayang Pampag-iisip-  Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat.  Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.

6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat- Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.

7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon.


Uri ng Pagsulat

1. Teknikal na Pagsulat –  Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan . Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t ibang uri ng mambabasa.
Karaniwang nagtataglay ito ng mga paksang teknikal. Halimbawa: Feasibility Study ,manwal, Proyekto  sa pag-aayos ng kompyuter, at iba pa.

2. Reperensyal na Pagsulat – Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda  sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.Karaniwang

 

makikita ito sa huling bahagi  ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng Review of Related Literature (RRL) na pinaghanguan ng mga prinsipyo at batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinagawang pananaliksik.

3. Dyornalistik na Pagsulat – May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita ,editoryal, lathalain,artikulo at iba pa . Ito ay isinusulat ng mga mamamahayag, journalist, reporter at iba pang bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung

nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isinusulat sa mga pahayagan , magasin,  o kaya’y iniuulat  sa radyo at telebisyon.

4. Akademikong Pagsulat – Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat  o ng isang ginawang  pananaliksik.

5. Malikhaing Pagsulat – Layunin nitong maghatid ng aliw,makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.  Mabibilang sa uring ito ang maikling kwento , dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks ,iskrip ng teleserye ,kalyeserye, musika ,pelikula at iba pa.

6. Propesyonal na Pagsulat -  Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya  o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.  Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report , narrative report tungkol sa physical  examination sa pasyente at iba pa.


Suriin

 

Panuto:A.  PAGKILALA SA AKDA AT URI NG PAGSULAT: Basahing mabuti ang inilalahad na  akda at sagutin ang mga katanungan ukol dito.

Ang DoItYourself.com ay isa sa mga nangungunang website na tumutulong sa mga nais magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Ang mga taong ito ay hindi na kumukuha ng mga ekspertong susuwelduhan. Pinarangalan ang website na ito ng Time Magazine bilang “One of the Top 50 Sites in the World”. Maliban sa napakarami at napakalawak na paksa at iba’t ibang bagay na matututuhan nila sa site na ito, ay mayroon din itong mga forum na nagbibigay-daan upang makipag-ugnayan ang mga bumibisita sa web site sa kapwa nila nagnanais ding gamitin ang website upang matutong magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Binibigyan din sila ng pagkakataong humingi ng payo sa mga eksperto.

Ang site na ito ay sinimulan noong 1995 na naglalayong tumulong sa mga mamimili na makakuha ng mga impormasyon sa pagkukumpuni ng bahay. Sa kasalukuyan, ang DoItYourself site ay binibisita bawat buwan ng limang milyong tao mula sa iba’t ibang bansa. Dito nakapupulot sila ng mga prosidyur kung paano gawin ang mga bagay na kailangan nilang malaman sa pagkukumpuni. Pinadadali nito ang kanilang buhay dahil sa isang klik lang ay        mababasa at kung minsan ay mapapanood pa ng mga paraan kung paano gawin ang            isang bagay.

 

 Sagutin ang katanungan

1.Anong uri ng pagsulat ayon sa layunin ang iyong nabasa ? Bakit?______________________________________________________________________________________________________________________.

2. Ano ang DoItYourself.com at ang layunin nito?_____________________________________________________________________________________________________________________________________

3.Ano-anong kabutihang dulot ang nakukuha  ng website na  DoItYourself.com?_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Nasusunod ba ang pangangailangang “ kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat at  kasanayan sa paghahabi ng buong sulatin” sa binasang akda ? Patunayan.____________________________________________________________________________________________________________________________

 

5. Tukuyin ang pangunahing kaisipan sa akdang binasa sa pamamagitan ng pagsulat nito sa isang buong pangungusap




B. Basahin at suriing mabuti ang mga halimbawa ng uri ng pagsulat at  isulat ang tamang sagot sa patlang.










Pagyamanin

Panuto: PAGSUSUSULAT AYON SA LAYUNIN: Basahin ang panuto sa bawat bilang. Sundin ang bawat isa upang makasulat ng mga halimbawang pamamaraan ng pagsulat ayon sa layunin.

 

1.    Sa halip na sabihing masaya si Len dahil nakapasa siya sa board exam ay gawin mong mas mabisang ang paglalarawan sa damdamin. Bumuo ka ng diyalogo ni Len na nagsasaad ng nararamdaman niya. Isulat ang diyalogo sa patlang.

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

2.    Labis ang pagtatampo ni Ken sa kanyang ama dahil nakalimutan nito ang kanyang kaarawan. Ilarawan mo ang damdamin ni Ken sa pamamagitan ng kanyang ginawa na nagpapakita ng labis na pagtatampo.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

3.    Walang patid ang pagluha ni Bea dahil sa pagkabigo ng kanyang unang pag-ibig. May mahal palang iba ang taong pinakamamahal niya. Gumamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita sa paglalarawan sa damdamin o emosyon ni Bea.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

  

       Isaisip


Panuto: PAGPUPUNO NG PARIRALA SA PAGBUO NG PAHAYAG: Natalakay natin sa  Aralin 1 ang  tungkol sa layunin at kahalagahan ng pagsulat . Sa puntong ito, punan ang patlang ng akmang pahayag upang mabuo ang cloze test. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. pinag-iisipan nang mabuti   B. mismong proseso ng pagsulat .  C. dahilang sabay na ginagamit ito sa pagsulat.  D. yugtong pangkognitibo,

E. artikulasyon ng mga ideya,

 

Ano nga ba ang pagsulat?

Ang pagsulat ay 1._____, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag at elektroniko (sa kompyuter). Binubuo ang pagsulat sa dalawang yugto. Una na rito ang 2._____ , ibig sabihin, nasa isip lahat natin ang ating mga isusulat. Nagkakaroon ng artikulasyon ang mga ideya, paniniwala at iba pa sa dahilang masusing dumaraan ito sa isipan ng tao na pag-isipan, naisapuso o naunawaan bago naisulat. Ang ikalawang yugto ay ang 3.______. Nagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis ang mga ideya at konseptong nasa isipan ng tao habang unti-unting naisusulat ito sa papel. Nagkakaroon ng kaganapan ang yugtong pangkognitibo sa pagsulat na mismo. Magkakambal ang dalawang yugtong ito sa 4. ______ . Hindi makapagsulat ang isang estudyante ng isang sulating pananaliksik kung hindi muna niya 5. _______   ang ideya at gagawin. Hindi niya marerebisa ang naisulat kung hindi niya tuloy-tuloy na pinag-iisipan ang nabubuong hugis at hulma ng naisulat na papel. Samakatuwid, mula simula hanggang wakas magkasama ang dalawa, halimbawa, sa pagsulat ng sanaysay at iba pang akademikong papel. 


Isagawa

 

Pag-aralan ang mga katangian ng Tekstong Impormatibo:

ü  Makatotohanan ang mga datos.

ü  May malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat.

ü  Ang kaalaman ay nakaayos nang sunod-sunod at inilalahad nang buong diwa at may kaisahan.

ü  Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, at sa mga pangkalahatang sanggunian.

Elemento ng Tekstong Impormatibo:

ü  Layunin ng may-akda-Layunin nitong maglahad o magbigay ng impormasyon.

ü  Pangunahing Ideya-Ito ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa. Nagagawa ito sa paglalagay ng pamagat sa bahagi –tinatawag din itong organizational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.

ü  Pantulong na kaisipan-Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

ü  Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:

Ø  Paggamit ng mga nakalarawang representasyon (larawan, guhit, dayagram,tsart, timeline)

Ø  Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto (pagsulat ng nakadiin, nakahilis, nakapanipi

Ø  Pagsulat ng mga sanggunian ( mga aklat, kagamitan at iba pa)

https://www.coursehero.com/file/p1p07hf/Katangian-ng-Tekstong-Impormatibo-Makatotohanan-ang-mga-datos-May-malawak-na/

Panuto: PAGSULAT NG TEKSTO: Batay sa katangian at elemento  ng teksto,sa itaas, sumulat

ka isang tekstong impormatibo batay sa  larawan. Sundin ang wastong pamantayan ng pagsulat nito. Salungguhitan ang pangunahing ideya o paksang pangungusap, Isulat ito sa bondpaper.






KRAYTIRYA SA PAGSULAT NG TEKSTO

KRAYTIRYA

Napakahusay

5 puntos

 Mahusay

4 puntos

Mahusay-husay

3 puntos

Umuunlad

2 puntos

KABUUAN

20 puntos

Nilalaman-Kaangkupan ng paksa

May higit na kaalaman sa paksa at angkop ang teksto sa pamagat

May kaalaman sa paksa at angkop ang teksto sa pamagat

May kaunting kaalaman at di-gaanong angkop ang teksto sa pamagat

Hindi angkop ang teksto sa pamagat

 

Gamit ng Gramatika at Bantas- Pagkabaybay

Pagbabantas

Wasto lahat ang pagkakabaybay at pagbabantas ng mga salita sa pangungusap.

Nakapagsulat ng teksto  ngunit may isa hanggang limang mali sa pagkakabaybay o pagbabantas ng mga salita sa pangungusap

Nakapagsulat ng teksto  ngunit may anim hanggang sampung mali sa pagkakabaybay o pagbabantas ng mga salita sa pangungusap

Nakapagsulat ng teksto ngunit may labing isa o higit pang mali sa pagkakabaybay o pagbabantas ng mga salita sa pangungusap

.

Organisasyon ng Ideya

-       Panimula

-       Katawan

-       Konklusyon

Maganda at tama lahat ang pagkakasunod-sunod  ng ideya, may panimula, katawan at konklusyon.

Tama ang pagkakasunod-sunod ng ideya may panimula, katawan at konklusyon.

May kaunting kamalian sa pagkakasunod-sunod  ideya

Hindi organisado ang mga ideyang naisulat.

Bilang ng mga salita

 

100-200

na salita

Nakapagsulat ng tekstong binubuo ng 500 o higit pang salita

Nakapagsulat ng tekstong binubuo ng 400 hanggang 499 na salita

Nakapagsulat ng tekstong binubuo ng 300 hanggang 399 na salita

Nakapagsulat ng tekstong binubuo ng 200 hanggang 299 na salita  https://teybasilio.blogspot.com/

 


Video Link 
 


Aralin 2: Gamit at Uri ng Pagsulat

  Baitang                       :   12                                           Markahan : Una Panahong Igugugol   :   Ikala...